Biyernes, Oktubre 12, 2012

hay ..

Dumadating talaga sa buhay natin na sobra tayong nagmamahal at nagpapahalaga sa isang tao. Yung tipong halos ibuhos na natin lahat lahat para lang maiparamdam natin na sobrang importante ng taong yun. Umaabot na nga sa punto na nakakalimutan na natin sarili natin eh, kasi ang iniisip lang natin, kapakanan nung taong yun at kung paano sya mapapasaya. Nakundisyon na rinnatin ang sarili natin na magkakasama habangbuhay, pero BOOM! Isang araw bigla na lang mawawala lahat, maglalaho na parang bula, matatapos lahat ng sumpaan at matutuldukan ang kwentong noong una’y puno ng pagmamahal. Sobrang sakit lang kasi hindi mo napaghandaan na isang araw mangyayari pala yun.Handa ka na kasing ipagpatuloy hanggangdulo kung ano mang meron kayo, yung kahit na sabihin ng iba na mali yung ginagawa mo at ikaw naman ang magdudusa sa huli parang wala ka na ring pakialam kasi kahit naman masaktan ka pa, sa kanya mo rin lang naman nakikita yung kasiyahan na talagang gusto mo.Ewan ko ba bakit kailangan maging ganito kakumplikado magmahal. Kung sino pa yung inibig mo ng lubos yun pa yung lilisan nang tuluyan. Tapos ikaw, araw araw naghihintay na maibabalik lahat ng namagitan sa inyo, habang sa kabilang banda hindi mo alam abalang abala na pala sya para kalimutan ka.Masakit Sobra.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento